Friday, March 13, 2009

BCBMPC : TAGUMPAY NA KOOPERATIBA NG AGUSAN DEL NORTE

By Gil E. Miranda

DAR-Agusan del Norte - - Matapos mabiyayaan ng kanilang lupang sakahan, ay patuloy pa rin sa paglilingkod para sa kanilang mga miyembro ang Baug Multi-purpose Cooperative o BCBMPC.

BCBMPC has come along way, It has attained tremendous economic development which serves as a model to other organizations. They have the vision and the will to pursue their plans and programs. They met every challenge with strong determination and failure with optimism.


Bukod sa pagpapautang ng may mababang interes, tinutulungan ng BCBMPC ang bawat miyembro kung papaano ang tamang pagnenegosyo sa pamamagitan ng mga trainings, seminars at workshop.

Ang BCBMPC ay itinatag taong 1987 na noon ay mayroon lamang 110 agrarian reform beneficiary-members.

Sa ngayon, bukod sa pagpapautang ay pinagkakaabalahan din ng BCBMPC ang pagpapalago ng prawn industry at kanilang Consumer Store.

Aabot sa dalawamput dalawang (22) agrarian reform communities o ARCs at dalawang siyudad sa Agusan del Norte ang napaglilingkuran ng naturang kooperatiba bukod pa sa tatlong lungsod ng Butuan City, Cabadbaran City at Buenavista.

Maliban sa mga ARCs ay natutulungan din ng BCBMPC ang mga government workers, private sectors gaya ng maliliit na entrepreneur, magsasaka, mangingisda, at maging ang mga drivers ng jeepney at tricycle dahil sa kanilang pagpapautang.

Dahil na rin sa sipag at tiyaga ng BCBMPC ay unti-unting natugunan ang mga pangangailangan at naiangat ang level ng pamumuhay ng mga kasapi at kalapit barangay nito.

Sa ngayon ay may kabuuang asset na aabot sa P80 milyong piso at kumakatawan sa 3,387 na mga miyembro ang BCBMPC. Nakapagpatayo rin ang kooperatiba ng dalawang palapag ng gusali, nakabili ng sasakyan at mga kagamitan tulad ng mga computers. Dahil sa mga kagamitang ito ay nabigyang halaga nila ang sistemang computerization sa lahat ng sangay ng BCBMPC na sa ngayon ay may apatnapu’t-tatlong (43) mahuhusay na empleado.

Abot-kamay na ang tugatog ng tagumpay na ipinamalas ng mga namamahala at nangangasiwa ng nasabing kooperatiba. Dahil sa pagkaka-isa ng mga Board of Directors at iba pang namamahala dito, ang lahat ay naitaguyod nila ng maayos dahilan upang magkaroon sila ng mapagkakatiwalaang mga miyembro.

No comments:

Post a Comment